Commissioner Abdon Balde: Hindi minor mistake ang ‘MAYON SA NAGA’ ni Mocha Uson!

Commissioner Abdon Balde: Hindi minor mistake ang ‘MAYON SA NAGA’ ni Mocha Uson!

Ayon kay Balde, hindi pagkaperpekto ang pinag-uusapan kundi ang incompetence at katangahan. May pitong bagay ang ipinunto ni Balde kay Uson: 1. Pitong araw nang pumuputok ang Mayon; 2. Pitong araw nang laman ng local at international news and tv ang pagputok ng Mayon; 3.

Tinabla ni Abdon Balde Jr., isang Commissioner sa Komisyon sa Wikang Filipino, si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson at ang mga tagasuporta nito na nagsasabing “minor mistake” lang ang pahayag ni Uson na nasa Naga City ang Mayon Volcano.

Ayon kay Balde, hindi pagkaperpekto ang pinag-uusapan kundi ang incompetence at katangahan.

Pinasaringan rin ni Balde ang mga tagasuporta ni Uson.

Basahin ang buong post ni Balde:

Posted by Abdon M. Balde Jr.
January 26 at 6:33am ·

Hoy! Kayong nagsasabing minor mistake ang paglagay sa Mayon sa Naga, hindi pagkaperpekto ang pinag-uusapan dito kundi incompetence o simpleng katangahan:

1. Pitong araw nang pumuputok ang Mayon;
2. Pitong araw nang laman ng local at international news and tv ang pagputok ng Mayon;
3. Asec of Communications ka, at public information ang responsabilidad mo;
4. Mahigit sampung ulit ang taas ng sweldo mo sa karaniwang government employee;
5. Buwis ng taong-bayan ang pagsuweldo at ginagastos mo sa opisina at biyahe;
6. Responsabilidad mong patunayan na hindi porke’t malakas ka lang sa Pangulo kaya ka nasa posisyon mo;
7. Obligasyon mong magbitiw sa tungkulin upang ang posisyon mo ay magampanan ng mas mahusay at mas magaling sa iyo.

Hindi mo alam kung nasaan ang Mayon?

At kayong nagtatanggol sa kanya: pinuprotektahan nyo rin ba ang sariling katangahan para kung magkamali kayo ay sasabihin nyo ring minor mistake at hindi kayo perpekto?

Source: http://www.philrepublicnews.com/2018/01/commissioner-abdon-balde-hindi-minor.html

Let us know what you think of the story...