DU30 Admin distributes titles to Samar Farmers

DU30 Admin distributes titles to Samar Farmers

Posted by/Follow Department of Agrarian Reform-Undersecretary for Field Operations

Continuing Agrarian Reform Program under the Administration of President Rody Duterte

Sa pagpapatupad ng “marching orders” ng Pangulong Rody Duterte na pabilisin ang implementasyon ng Repormang Pansakahan ng Gobyerno, 320 na magsasaka na naman ang nakatanggap ng Titulo nila sa gobyerno sa Probinsya ng Eastern Samar nitong Abril 16,2017. Pinangunahan ng ilang opisyal ng DAR ang pamimigay ng mga titulo sa mga magsasaka. 618 ektarya ng Government-owned Lands(GOL) lupain ang ipinamahagi.

Pinaaalahanan ng mga opisyal ng Department of Agrarian Reform ng rehiyon (RD Sheila Enciso) ang mga ARBs sa mga alituntunin para sa pagmamay-ari ng mga lupain at ang mga serbisyo na maaring ibigay ng Kagawaran at ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Labis naman ang pasasalamat ng Undersecretary ng Field Operations Office (Atty. Bello) sa pagsusumikap ng mga kawani ng DAR Regional Office sa Eastern Visayas at Provincial Office sa Eastern Samar at ng lahat ng ahensya ng gobyerno kasama ang lokal na Pamahalaan ng San Julian (Mayor Dennis Estaron), DENR, RoD, at iba pa na tumulong para maipatupad ng mabilis ang implementasyon ng CARP Law alinsunod sa panawagan ng Pangulong Rody Duterte na pabilisin ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka at nagpaalala sa mga iilang bagay na dapat sundin ng mga magsasaka sa pagmamay-ari ng lupa.

Salamat, DAR Eastern Visayas and DAR Eastern Samar Province for the job well done!

Let us know what you think of the story...