As expected! Ilang senador, kinondena ang pagpapasara sa Rappler

Phil News: Pagpapasara sa Rappler kinondena ng ilang senador

Mariing kinondena ng ilang senador ang pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa online news site na Rappler. Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, maliwanag itong panggigipit, pagyurak sa kalayaan ng pamamahayag at gawain ng diktador. “The revocation of Rappler’s registration is pure harassment and a clear attack on press freedom.

Mariing kinondena ng ilang senador ang pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa online news site na Rappler.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, maliwanag itong panggigipit, pagyurak sa kalayaan ng pamamahayag at gawain ng diktador.

“The revocation of Rappler’s registration is pure harassment and a clear attack on press freedom. It is also Marcosian. It is a move straight out of the dictator’s playbook,” ayon kay Hontiveros.


Hinimok nito ang media at ang publiko na ipaglaban ang kalayaan ng pamamahayag.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na nakababahala ang ginawa sa Rappler.

Tinuligsa rin ito ni Senador Antonio Trillanes IV dahil sa pananakot umano sa media.

“I strongly condemn the SEC’s revocation of the registration of Rappler. It is a clear attempt by Duterte to muzzle the few remaining indepedent media outfits in the country. It would also send a chilling message to other media entities to force them to tow the administration’s propaganda lines,” pahayag ni Trillanes.

Pinuri naman ni Senador Richard Gordon ang SEC dahil ipinakita na wala itong pinaliligtas at ipinatutupad nito ang utos ng Konstitusyon na 100 porsiyento dapat na pagmamay-ari ng Filipino ang media company bagaman dapat aniyang magpaliwanag ng SEC.

Hindi pa naman daw napag-aaralan nang husto ni Senadora Grace Poe ang nangyari sa Rappler pero umaasa ito na hindi ito pagsikil sa freedom of the press.

Read the article on Phil News

Let us know what you think of the story...