HATE SPEECH and the SENATE HEARING on FAKE NEWS

Posted by/Follow MOCHA USON BLOG

HATE SPEECH

Bago po ako nag komento patungkol sa SENATE HEARING on FAKE NEWS pinanuod ko po ng ilang beses ang video.

Eto ang hindi ko maintindihan sa ilang mga nag attend dito. Galit na galit kayo sa “HATE” speech/comments pero hindi niyo ba natatanung kung bakit nagpopost ang mga ordinaryong Pilipino ng “HATE”? Bakit hindi natin tanungin kung bakit nagagalit ang taumbayan?

Dahil ilang dekada na silang naapi, niloko at ginago ng gobyerno at ng mga TRAPO sa ating bayan.

Kesa na magreklamo tayo na bakit sila nag popost ng HATE speech/comments, bakit hindi na lang natin baguhin ang ating sarili at pagsilbihan pa sila.

Kalayaan ng bawat Pilipino ang sabihin ang kanilang opinyon at pagka dismaya sa ilang gov officials/employees. Bakit natin ito pipigilan? Ano ang pinagkaiba nito sa mga nagrarally sa kalsada? Pinigilan ba ito ng ating Pangulo? Hindi! Sa katunayan nag deklara pa siya ng National Day of Protest.

Malinaw po sa ating batas na tayo ay may kalayaan sa pananalita. Bakit pag ito ay kontra at galit sa administrasyon, hindi natin ito tinutuligsa ngunit pag ang taumbayan na ang nagbigay ng opinyon at nagalit sa mga tumutuligsa sa pamahalaan ay ang inyong suhestyon ay dapat itong pigilan?

Ang problema kasi sa ilang mga guest sa Senate hearing ay nakalimutan nila na ang SOCIAL MEDIA ay hindi ang mga bloggers. Ang Social Media ay ang mga netizens mismo.

Kesa na magreklamo tayo, bakit hindi tayo makinig? Di ba sabi nga ng isang disente, “kayo ang boss ko”? Bakit hindi tayo makinig sa boss natin?

Let us know what you think of the story...