Kung makikipagtulungan ang bawat mamayan sa gobyerno, madami tayong magagawa sa ating bayan

Posted by/Follow MOCHA USON BLOG
CHRISTMAS CHALLENGE

May nabasa po tayo isa sa mga comment po dito sa page natin, ang sabi niya siya daw ay nalulungkot dahil nagaaway away ang mga PRO-DUTERTE bloggers.

Alam niyo po, huwag na natin pansinin ang mga malilit na bagay ng kanilang awayan. Dahil meron pong mas mahalagang bagay na dapat bigyan ng atensyon yan ay ang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong. Tulad nalang ng mga batang itong may congenital heart disease. Ito po ang sakit na mula palang sa pagsilang nila ay may problema na sa kanilang puso.

Kung makikipagtulungan ang bawat mamamayan sa gobyerno madami tayong magagawa sa ating bayan.

Ang HEART WARRIORS PHILIPPINES ay isang NGO na boluntaryong tumutulong sa mga may congenital heart disease. Madami pong programa ang ating pamahalan tulad ng PCSO, PAGCOR at mga pampublikong ospital tulad ng PGH ngunit hindi pa rin ito sapat sa buong Pilipinas.

Kaya sana tayo ay tumulong kesa makipagbangayan sa isa’t isa.

Sana po maisip natin ngayong pasko na ilaan ang konti nating biyaya sa mga kapuspalad nating mga kababayan. Ito pa ang tinatawag nating CHRISTMAS CHALLENGE.

Let us know what you think of the story...