MGA GOVERNMENT OFFICIALS NA NAGHAHANDA NA SA 2019

Posted by/Follow Mocha Uson Blog

Malapit na po ang 2019. Marami ang umiiwas sa usaping eleksyon. Ngunit ang totoo marami sa mga opisyal natin yan talaga ang nasa isip. Wag na tayong maglokohan. Masakit man isipin marami sa opsiyal natin ang kinain na ng sistema. Meron nga po ako nabasang post sa fb na nagsasabi na pagkatapos mabigyan ng pwesto ay nagpakain na ito sa sistema. Ito ay totoo.

Kaya hindi ko masisi ang ilang kababayan natin kung bakit sila nagnanais ng RevGov. Naintindihan ko ang mga nagtutulak nito dahil out of frustration nais na nila itong itulak. Maging ako po ay nagnanais nito ngunit dahil sa aking pakikipag-usap sa Presidente kanya itong ipinaliwanag sa akin. Ilan sa bahagi ng aming pag-uusap ay akin din pong pinost.

ANG TOTOO- ang damdamin na nais nating pagbabago at pinaglaban noong nakaraang eleksyon ay tila nawala na sa mga nailuklok na opisyal ng gobyerno. Bakit ko po ito nasabi? Marami sa mga ito ay iniisip nalang nila ang kinabukasan nila sa pulitika kesa sa magtrabaho.

Paano ba natin malalaman kung ang isang opsiyal o pultiko ay kinain na ng sistema at naging TRAPO na rin? Bibigyan ko po kayo ng clue. Bato bato sa langit ang tamaan sapul!

1. BALIMBING- Ito yung mga pulitikong palipat lipat ng partido. Depende na lang kung sinong naka-upong Pangulo. Pag-upo ng Pangulo nagsisilipatan itong mga ito sa partido ng Pangulo. Kahit ang kanilang pinaglaban dati ay taliwas sa prinsipyo ng partido.

2. MEDIA WHORE- Ito yung mga sipsip sa TRADITIONAL MEDIA. Aminin na natin kahit marami ang Pilipino ang nasa Social Media pagdating sa kampanya mahalaga pa din ang “pogi” ka sa media. Dahil meron sa mga liblib na lugar ang mahina pa din ang internet at sa TV at radyo lamang po sila nakakakuha ng balita. Kaya madali pa din maloko ang ilang kababayan natin dahil sa propaganda ng ilang mga MEDIA. Patunay diyan ay sa panahon ng eleksyon diyan kumukulimbat ng salapi ang ilang media.

Ang payo nga sa akin ng ilang mga kilalang campaign manager ay dapat daw ay ligawan ko ang mga kilalang broadcaster at journalist dahil sila ang mga magpapabango ng aking pangalan. Yan ang hinding-hindi ko po gagawin, ang hindi punahin ang mga baho ng ilang media para lang sa political career. Nakakalungkot man isipin maraming opisyal ni Tatay Digong na bini-baby ang media kahit alam nilang lantarang sinisiraan ang ating Pangulo dahil lang sa pansariling interest.

3. EPALITIKO- Ito yung mga opisyal ng gobyerno na kahit hindi nila trabaho ay pinapapelan. Dahil libre na ngayon ang umepal sa social media kahit wala sa job description nila, ito ay kanilang ginagawa. Hindi ko po nilalahat dahil marami naman na lumalabas sa Social Media na picture o video ay dahil parte ito ng trabaho nila pero meron talagang ilan na hindi naman nila trabaho pero gingawa nila ito for publicity. Ang nakakainis pa dito ay minsan bitbit pa ang buong batalyon ng media. Pansinin niyo din yung mga namimigay ng kung ano-ano na nakalagay ang kanilang pangalan. Take note- hindi pa yan eleksyon.

4. CREDIT GRABBER- ito yung mga puliko o opisyal na kahit hindi nila pera dahil pera ito mula sa tax ng bayan kanila itong inaako. Meron nga po nagbulong sa akin, dating naging Pangulo, sabi po niya ay meron isang senatorial candidate ang magiikot ngayon sa mga state University at titingnan di umano kung naipapatupad ang libreng tuition fee sa mga state University.

Una sa lahat hindi naman siya DepEd para alamin kung naipapatupad ito. Pangalawa hindi naman siya ang dahilan kaya maipapatupad yan. Presidente ang nag-allocate ng budget diyan. Madami nang Pangulo ang dumaan at pinapapasa sa Legislative branch yan pero hindi naipasa kasi hindi nag allocate ang mga nakraang Pangulo ng budget para diyan. Ngayon lang sa panahaon ni PRRD na isakatuparan yan dahil kanyang priority yan sa budget. Pero since mag eeleksyon na sa 2019 todo epal na ang kandidatong ito. Maging mapagmatyag tayo sa mga Credit Grabber na pulitiko.

5. OPORTUNISTA- Meron din mga gov official na ginagamit ang kanyang pinamumunuang ahensya para sa maagang pangangampanya. Tulad sa nakaraang administrasyon na ginamit ang buong ahensya na kanyang pinamumunuan. Naalala niyo yung mga bansag na “Mr. Palengke” at “Tesda Man”??? Meron din niyan ngayon. Maging mapagmatyag sa ganyang galawan.

Nasa kamay natin ang tunay na pagbabago. Si Pangulong Duterte lamang ang nagsimula nito at tayo ang magpapatuloy nito. Ngunit kung tayo ay boboto muli ng mga TRAPO sa 2019 asahan ninyo babagal ang pagbabagong nais ng ating Pangulo para sa ating bayan. Maging mapagmatyag sa mga TRAPO.

Let us know what you think of the story...